Tinig.com blog

Isang blog para sa mga kaTinig.

lunes, agosto 16, 2004

Hindi Kakalawangin ang Makinilya

Sa alaala ni "Manong" Antonio Zumel, peryodista ng sambayanan, Agosto 10, 1932-Agosto 13, 2001 Wala isa mang tuldok, Manong, sa pahayagan ng iyong buhay. Hindi kailanman kakainin ng kalawang ang makinilya mong riple rin, na ang bawat salitang iniukit sa papel ay punlong sumagasa sa matandang tanikala. Ang nakalipas ng baya'y sagana sa iyong mga bakas, ngunit hinding-hindi ka lilipas: balita kang hindi kailanman kukupas.