Tinig.com blog

Isang blog para sa mga kaTinig.

miércoles, julio 14, 2004

Tag-Init Na!

Matagal na rin akong di nakakapagpost dito, paano kasi ay madami akong ginagawa -- mayroon akong dalawang trabaho at pagod na ang isip at bibig ko sa kakasalita sa call center at bugbog naman ako sa trabaho sa fast food. Hay, kailangan ko talaga ng pera para sa unibersidad eh. Oo nga pala, kailangan ko nalang asikasuhin ang ilan pang dokumento at papeles upang maibigay na sa akin ang student loan na kailangan ko upang may pangbayad na ako sa eskuwela sa darating na setyembre. Natutuwa ako at makakapasok na ako ulit. Sana naman ay maging masaya ang pagpasok ko. Napag-isipan ko narin ang mga kukunin kong mga subjects at eto ang limang kukunin ko:

  • Introduction to Japanese
  • Principles of Economics
  • Representative Literary Works
  • Topics in Mathematics
  • Introduction to Politics
  • Sana ay makuha ko ang lahat ng subjects na iyan kapag nag-enroll na ako via internet sa Lunes. :) Sana ay maayos kayong lahat diyan sa Pilipinas. Mag-iingat kayong palagi! :)